Lumahok ang Akbayan Party, ang democratic socialist political party sa bansa, sa “National Day of Prayer and Action” o Pambansang Araw ng Panalangin at Pagkilos. Isinagawa ang naturang event upang gunitain ang ika-38th anniversary ng makasaysayang Edsa People Power Revolution at mahigpit na tutulan ang tangkang baguhin ang kasalukuyang konstitusyon.
Sa Pangunguna ng #BuhayAngEdsa Campaign Network, sinimulan ang event sa Edsa Shrine ng isang misa na pinangasiwaan ni Fr. Manoling Francisco, SJ at Fr. Nono Alfonso. Kabilang sa mga kilalang dumalo ay sina Akbayan Senator Risa Hontiveros, dating Senators Leila De Lima at Bam Aquino, Representative Edcel Lagman, dating Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Etta Rosales, dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Butch Abad, dating Congressmen Blue Abaya at Teddy Baguilat, at human rights lawyer Chel Diokno. Naroroon din sa okasyon sina Teresita Deles, isang convenor ng #BuhayAngEdsa Campaign Network at Tindig Pilipinas, Francis Aquino Dee, Deputy Executive Director ng Ninoy and Cory Aquino Foundation (NCAF), at Akbayan Party President Rafaela David.
Hinimok ni David ang publiko na itaguyod ang diwa ng Edsa sa pamamagitan ng pangangalaga sa 1987 Constitution, na binibigyang-diin ang pinagmulan nito sa isang mapayapang pag-aalsa sa buong bansa.
“We firmly oppose all attempts to amend the constitution under this administration. As a legacy of Edsa, our constitution protects fundamental rights such as freedom of expression, fair elections, association, and press freedom. It also imposes term limits on politicians to prevent power consolidation and restrain political dynasties. Self-serving charter change efforts risk overturning these freedoms, including undermining our electoral democracy with the grim scenario of extended terms for politicians,” saad niya.
Binatikos din ni David ang mga Duterte, matapos silang bansagan na “fake opposition” sa pagtatangkang samantalahin ang pagtatanggol ng taumbayan sa konstitusyon upang makakuha ng pakinabang sa kanilang alitan ng administrasyon.
“As opposition to cha-cha grows, we caution the public not to be swayed by the Dutertes’ fraudulent opposition stance. Let’s not forget that during their term, they also pursued constitutional revisions. They oppose cha-cha now only because it’s being promoted by their dynastic rival, from which they stand to gain nothing,” matapang na sambit ni David.
Ngayong araw din, nag-organisa ang Akbayan ng anti-cha-cha educational forums sa Santiago, Isabela; Rodriguez, Rizal; Angeles, Pampanga; Naga City; Tagum City; at Davao del Norte. Bukod pa rito, ginanap sa Subic, Zambales ang mga ekumenikal na misa sa paggunita sa Edsa at laban sa Cha-cha; Cebu City; Dumaguete City; Siquijor; at Zamboanga City.
Higit pa rito, ang mga kilos-protestang anti-cha-cha, na pinamunuan din ng Akbayan, ay naganap sa Cebu, Quezon, at General Santos City. Sa Zamboanga, nagsimula ang Edsa caravan mula sa KCC Mall hanggang sa Pasonanca Butterfly Park noong Pebrero
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI