ISINELDA ang isang binata matapos makuhanan ng shabu makaraang tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa paglabag sa city ordinace sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Valenzuela police Sub-Station 2 Commander P/Major Randy Llanderal ang suspek bilang si Christian Santiago, 30, construction worker ng 6111 Lower Tibagan St, Gen. T. De Leon.
Sa isinumiteng report ni PSSG Carlito Nerit Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, dakong alas-12:45 ng hapon, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng SS2 sa kahabaan ng FJ.E Fama Street, Brgy. Gen. T. De Leon nang makita nila ang suspek na walang suot na damit na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.
Nang lapitan ng mga pulis para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ay kumaripas ng takbo ang suspek na naging dahilan upang habulin siya ni PCpl Roland Gicar at Pat Allan Caballero hanggang sa makorner.
Nang kapkapan, nakumpiska sa suspek ang dalawang small heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 0.2 grams ng hinihinalang shabu na nasa P1,360 ang halaga at isang lighter.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 151 (Resistance and Disobedience to a Person in Authority or the Agent of Such Person) at RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (JUVY LUCERO)
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA