ARESTADO sa isinagawang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang limang suspek na nahulihan ng tinatayang isang kilo ng bawal na droga o shabu.
Kinilala ang mga suspek na sina Rohaida Mariga y Alimbaracat @Ate Beking, ng Villa Precilla Madison St. Cut-cot, Pulilan, Bulacan; Edilyn Ico y Cabuso, 26, ng Purok 2 Luacan, Dinalupihan, Bataan; Farjana Dumarang y Matanog, 24, ng San Ramon Dinalupihan, Bataan 2110; Roxanne Cunanan y Torres, 24, ng San Isidro Dinalupihan, Bataan; at Noraisa Mariga y Alimbaracat, 24, ng San Ramon, Dinalupihan Bataan.
Sa report ng PDEA, pasado alas-7 kagabi nang isagawa ang buy bust operation sa mga suspek sa Quezon City Memorial Circle, Barangay Central, Quezon City.
Sa naturang operation, sinabi ng PDEA na nakuha sa mga suspek ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱6,800,000.00
Nakumpiskahan din ang mga suspek ng iba’t ibang Identification Cards; tatlong cellular phones, isang Silver Toyota Avanza, passbook na may kasamang transaction slip, isang piraso ng one-thousand peso bill at sampung bundle ng boodle money.
Ang mga suspek ay kakasuhan nang paglabag sa Republic Act 9165 sa Quezon City Prosecutor office.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA