HINDI sapat para makagawa ng bomba ang depleted uranium na nasabat kamakailan lang ng mga awtoridad sa ikinasang nationwide operation, ayon sa isang mataas na opisyal ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI)-Department of Science and Technology.
Ayon sa geologist na si PNRI Director Dr. Carlo Arcilla, ang presensiya ng radioactive metal ay hindi dapat magdulot ng panic sa publiko.
“Kaya depleted ‘yan kase napiga na yung mga fissionable materials ,” paliwanag niya.
Ayon pa kay Arcilla, bagama’t hindi makakagawa ng bomba ang narekober na uranium, maari pa rin itong gamitin sa paggawa ng armor-piercing bullets. Binigyang-diin pa niya na wala ring nakita ang mga awtoridad na paraphernalia sa paggawa ng bomba sa naturang hideouts.
Gayunpaman, nilinaw ni Arcilla na delikado pa rin sa publiko ang residual powder mula sa uranium, lalo na kung maihalo ang powder sa bomba upang lumikha ng radiological dispersal devices (RDD) o maamoy ng mga bulnerableng indibidwal.
“The element in small quantities is capable of causing alpha emission, a type of radioactive decay that damages living tissue,” ayon sa official website ng United States Environmental Protection Agency.
Matatandaan nitong Lunes, Nobyembre 9, nasabat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinatayang nasa 100 kilo ng radioactive materials na na-trace na Uranium-238 at Uranium-235 sa umano’y hideouts ng sindikato sa Pasay, Metro Manila; Mandaue City sa Cebu; at Cagayan de Oro, northern Mindanao.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag