PATAY sa buy-bust operation ang isang drug suspect na nasa watchlist ng Manila Police District sa Tondo, Manila, nitong Sabado.
Napatay ng grupo ng pulisya sa pangunguna ni P/ Lt. Col. Magno Gallora Jr., Station Commander ng MPD-Moriones Police Station 2, si Ernesto Illedo, alyas “Omeng,” ng 1299 Almeda St, Tondo.
Naganap ang insidente dakong alas-2:45 ng hapon malapit sa panulukan ng Yakal at Yuseco Streets.
Habang isinasagawa ang buy-bust operation, natunugan ni Illegado na pulis ang kanyang katransaksyon kaya bumunot ito ng baril, at nakipagputukan sa pulisya na nagpanggap na buyer ng shabu.
Narekober kay Illedo ang improvised handgun Smith & Wesson 9mm revolver na may karga ng bala.
Nakita rin ng pulisya sa kanya ang limang plastic shachet na may lamang 11.61 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P78,948 at 500 marked money.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA