January 23, 2025

Nararapat bang palitan ang pangalan ng NAIA?

Magandang araw mga Cabalen, sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Muli na naman tayong tatalakay sa mga maiinit na isyu sa ating bayan.

Ito ay ang kaugnay sa planong pagpapalit ng pangalan ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA, kung saan may inihaing batas dito ang mga mambabatas sa Kamara upang mapalitan ang pangalan ng paliparan.

Ito ay ang House Bill 7031 na ang nasa likod ng paghahain ng panukalang batas ay sina Rep. Lord Allan Jay Velasco (Marinduque), Rep. Eric Go Yap (ACT-CIS Party-list) at Rep. Paolo Duterte (Davao City).

Layunin nito mga Cabalen na linisin ang pangit na imahe ng paliparan, kung saan kabilang ito sa ‘worst airport in the world’. Bukod sa kanila, isa rin si Sen. Imee Marcos sa may-akda ng panukalang batas.

Kung makalulusot mga Cabalen ang bill, tatawagin ito sa bagong pangalan na “ PaPaPi” o Philippine International Airport o Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas.

Biro nga ng ilang netizens, parang katunog ng isang artista ang abbreviation ng paliparan. Teka, may point ba ang mga mambabatas sa nais nilang pagpapalit ng pangalan ng paliparan? Aba’y meron.

Gayunman, may ilang nataas ng kilay sa panukalang batas. Kabilang na rito ang ilang political figures sa katauhan ni Sen. Francis ‘ Kiko’ Pangilinan at Bise Presidente Leni Robredo. Naku, na naman?

Anila, bakit ‘yan ang pinagtutuunan ng pansin gayung ang bansa ay nahaharap sa paghamon upang labanan ang pagkalat ng COvid-19? Ang dapat daw pagtuunan ng pansin ng ilang politico na kaalyado ng administrasyong Duterte ay ang paglaban sa coronavirus at kumilos para sa kapakanan ng taumbayan.

That should be the least of our concerns now that we are facing the COVID pandemic and millions have lost their jobs and are starving,” giit ni Sen. Pangilinan.

As usual naman. Ika nga ng mga pilosopo natingmga netizens, may mema lang ( may masabi lang). Kahit na maganda ang programa ng gobyerno ‘e taas kilay talaga ang oposisyon. Magtataka pa ba tayo, mga Cabalen? ‘E mga Dilawan sila sabi ng mga kababayan natin.

Kabilang din sa mga nagnanais na mapalitan Ang NAIA, hango sa pangalan ni dating senator Benigno ‘Ninoy’ Aquino II, ay si Atty. Larry Gadon. Banat ng lawyer turned into celebrity, wala namang nagawa para sa bansa si Ninoy na namatay dahil sa political agenda nito. Alam natin kung ano ang naging papel ni Ninoy sa administrasyon noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.  

Si Ninoy ay peke na bayani, katha ng propaganda upang ma-indoctrinate at ma-brainwash ang mga Pilipino, [nang] sa [gayon] ay palagi may paglalamang ang mga Aquino sa politika dahil ang pangalang Aquino ay nakaukit sa airport, highway, schools, hospital, kahit sa pera (500 pesos),”  ani Atty. Gadon.

Teka mga Cabalen, kung titimbangin natin ang pulso n gating mga kababayan sa social media, ala ‘e nararapat lamang na palitan na ang pangalan ng NAIA. Ika nga ng ilan, sa paliparang iyon pinaslang si Ninoy. So, bakit ipapangalan sa kanya iyon gayung naging nag-iwan ng pait sa kanyang pagkatao ang alaala ng nasabing airport?

Nararapat nga bang ibalik ito sa dating pangalan na Paliparang Pandaigdig ng Maynila o Manila International Airport? O papalitan ba ng bukod dito? Sasang-ayon ba ang ilang mambabatas na palitan ang pangalan?

May karapatan ang ating gobterno na palitan ito, lalo na ang taumbayan dahil sumasalalim ang imahe ng paliparan sa kultura at pag-uugali nating mga Pilipino.

Ika nga ng ilan, bakit ipapangalan kay Ninoy? Ano ba ang nagawa nito sa bayan na markado talaga sa kasaysayan? Nasa sa inyo po ang kasagutan, mga Cabalen.