January 23, 2025

NARARAPAT BANG ALISIN NA LANG ANG BAR AT BOARD EXAMINATIONS?

Magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguita. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan. Ating talakayin ang tungkol sa plano ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III.

Na hindi na raw dapat kailangan ang Board at Bar Examination para sa mga professionals. Ito ang pahaging na pahayag ng DOLE Secretary na planong tumakbo sa 2022 elections.

Ewan lang kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhan. Hindi kaya tatakbo siya bilang Congressman? Kasi, may kaugnayan sa batas ang plano niya.

Kapag nanalo halimbawa si Sec. Bello, wala nang board examinations para sa mga engineer at nurse. Wala na ring Bar exams sa mga gustong maging abogado. Aniya, malaking ginahawa’t tulong sa mga nagsipagtapos sa mga nasabing kurso.

Gayun nga ba? Payag ba kayo? Bale, mahaba-habang panahon din ang ginugol ng mga estudyante sa mga nasabing courses. Kung wala na aniyang eksaminasyon, pwede na agad makapagtrabaho ang mga ito. Wala nang kuskos-balungos.

May katuwiran nga naman. Pumasa na  sa eksams tapos kukuha pa ng bar? Hasel lang daw ito sa mga engineer at dentistry. Kapag may ganun daw exam, board at bar, papaano kung sumama ang pakiramdam sa mismong araw ng examination? E di bagsak na? Saan daw ang katarungan dyan?

Naging isyu itong pahayag ni Sec. Bello nang makipag-usap siya sa iba pang officials ng ilang governmant agencies. Ito’y dahil sa malaking matas na demand ng mga nurses sa ibayong-dagat.

Aniya, magastos ang pagkuha ng nursing. Buong panahon ng pag-aaral nila ‘e tadtad na sa eksams. Tapos, pag-eeksamin pa? Kaya dapat lang na alisin na.

Maganda ang plano ni Sec. Bello. Pero, may epekto itong negatibo para sa iba. Maari itong magdulot ng pagkukunwari. Kailangang ng legalidad para s akanilang propesyun. At ang examination (bar at board) ang pasaporte nito. Kung wala, kahit tambay, pwedeng magpanggap na nurse.

Ang pagsubok na hatid ng board at bar examination ay isang paraan kung karapat-dapat sila sa kani-kanilang propesyun. Kailangang subukin ang ginto kung ito’y dalisay. Ganyan ang paraan. Isa pa, mayorya sa mga graduates ang gusto nilang kumuha ng board at bar exams. Wala naman daw problema rito.

Ewan lang sa kanilang mga magulang. Kayo, mga Ka-Sampaguita, payag ba kayong alisin na lang ang board at bar examination?