December 25, 2024

NAPOLES NILINIS SA KASONG PLUNDER

Ipinawalang-sala ng Sandiganbayan ang negosyanteng si Janet Lim Napoles at dating Rep. Edgar Valdez sa kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam.

Ngunit napatunayan naman na guilty si Napoles sa siyam na bilang ng corruption of public official at si Valdez sa siyam na bilang ng  direct bribery.

Ayon sa Sandiganbayan 5th Division kapos ang ebidensiya para mapatunayan ang pagkakasala ng dalawa sa kasong plunder.

Kapwa sila nasenstensiyahan ng pagkakakulong na dalawang taon at anim na buwan hanggang anim na taon at isang araw.

Pinagbabayad din sila ng multa na P26,996,700.

“The Court finds accused Edgar De Leon Valdez and Janet Lim Napoles [are] not guilty of plunder due to insufficient evidence proving that they had, through conspiracy, amassed, accumulated and or acquired at least 50 million pesos of PDAF funds through kickbacks and or commissions,” ang mababasa sa bahagi ng desisyon.

Kabilang si Valdez sa limang mambabatas na naakusahan ng plunder sa pamamagitan ng pekeng non-government organizations (NGOs) ni Napoles