May 18, 2024

Nanghablot ng CP ng GMA reporter, pansamantalang tatayong OIC ng NCRPO

Pansamantalang tatayo bilang National Capital Region Police Office (NCRPO) officer- in-charge si Deputy Regional Director for Administration Police Brig. Gen. Nolasco Bathan.

Ito’y dahil tatlong araw nang naka-leave si NCRPO chief Major Gen. Debold Sinas para sa kanyang annual medical check-up sa isang ospital sa Maynila.

“I will be having my annual medical check-up in Chinese Medical Hospital, Manila City which will start on Aug 20-22, 2020,” ayon kay Sinas na hindi nabanggit ang dahilan kung bakit siya magpapa-ospital.

Tiniyak niyang patuloy siyang magmomonitor ng mga aktibidad at operasyong ng NCRPO.

Bagama’t si Bathan ang siya munang hahawak sa komunikasyon at iba pang concerns sa pamunuan ng NCRPO habang nasa ospital si Sinas.

Matatandaan na si Bathan ay dating hepe ng Southern Police District chief na binatikos matapos umanong hablutin ang cellphone ng reporter ng GMA na si Jun Veneracion.