May 17, 2024

Nangangamoy kasalan na… RAYVER CRUZ, HANDA NA BANG PAKASALAN SI JULIE ANNE SAN JOSE?

KUNG ako ang tatanungin, huwag nang pakawalan pa ni Julie Anne San Jose si Rayver Cruz. Kita naman na talagang tapat ang binata at talagang seryoso itong pakasalan siya, dahil wagas naman ang pagmamahal ni actor sa kanya.

“Matagal na hong pinaghandaan ni Rayver Cruz na pakasalan si Julie San Jose, kumukuha lang ng tamang sitwasyon ang dalawa.

“Ang hadlang lang ay, pareho silang mga busy sa mga natanguan nilang mga projects. At maganda namang pagkakataon iyon, dahil lalo silang nakakapaghanda.

“Hindi naman ho nagmamadali sina Julie Anne at Rayver, dahil alam nilang sa kasalan din mauuwi ang tapat nilang pag-iibigan sa isa’t-isa,” pagtatapos pa ni Miss. Bubuwit na aking source.