
MARAMING haka-haka ang naglabasan. Isa na rito ang pag-bibigay niya ng award sa isang sikat na matandang actress na dapat na si Jacklyn Jose ang mas pinaburan ng Development Council of the Philippines. Dahil itinaas ni Ms. Jacklyn ang bandera ng Philippine Showbiz sa ibang bansa, noong ito’y nabubuhay pa.
Nagbulag-bulagan si Tirso, at sa halip si tandang actress ang pinaburan niya na wala man lang naibigay na karangalan sa Industriya ng hindi pa nagaganap ang pagkapanalo sa nito sa 2 Festival.
âNakokonsensiya na ba siya sa maling ginawa niya? Iniisip tuloy nila kaya binigyan nila ng parangal si tandang actress, dahil paghahanda na iyon sa pagsali ng movie ni tandang actress sa nakaraang 2 Festival para siya ang ipanalo.
“March 1, ay resign na pala siya. Maraming nagbunying mga fans at bashers niya, dahil iyong pakana niyang First FDCP sinning Awards noong 2023 ay malinaw na paglulustay ng pera sa kaban ng FDCP dahil hindi naman ito traditional na parangal na gagawin kada-taon.
“Dahil na parangalan na si tandang actress, at nanalo nasa nakaraang 2 Festival na nagbigay sa kanya ng parangal ay goodbye na. Sabi ng mga marites, kung papasok sa politika iyan tiyak nasa ilalim iyan ni tandang actress.” sana mali ang kutob ni Miss. Bubuwit na aking source.
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN