December 21, 2024

Nagkakalat ng ‘fakenews video’ hindi pepersonalin ni NCRPO Chief Estomo

SA kabila na nagkalat ang mga fakenews videos sa social media na naapektuhan ang kredibilidad ng pambansang pulisya partikular na ang National Capital Region Police Office o NCRPO hindi aniya pepersonalin o magtatanim ng galit si NCRPO OIC Chief P/ Brig Gen Jonnel Estomo sa mga naglalabas nito sa social media.

Ginawa ni Estomo ang pahayag sa kanyang buwanang ulat sa mga mamamahayag sa kanyang nagawa sa loob ng isang buwan panunungkulan bilang NCRPO Chief.

Ayon kay Estomo kung hindi naman sinasadya o walang intensyon na ang isang krimen ay isang robbery o away sa kalsada na napagkamalang kidnapping at ito ay nag viral hindi niya ito pepersonalin.

Sa halip kanya itong kinokonsidera na ito ang daan ng publiko o kaliyahan para maipararating ang kapulisan o NCRPO na may nangyaring ganitong krimen at agad nilang aaksyunan.

Iginiit pa ni Gen. Estomo na kaya sila andito para mapanatili ang kapayapaan at maresolba ang krimen.

Dagdag pa ni Estomo gagawin nila ang lahat para mapababa ang krimen sa Metro Manila.

Sa naturang pulong balitaan lumabas na ang mga nagviral na video tulad sa skyway ay hindi kidnapping kundi isang robbery holdup.

Maging ang ilang mga video na pinalabas na kidnapping ay napatunayan base sa imbestigasyon ng NCRPO ay walang katotohanan kundi pawang nga fake news.