January 23, 2025

Naghain ng petisyon vs Anti Terror Act sa SC, 27 na!

Naghain ng petisyon si Atty. Gilbert Andres  ng Center for International Law sa tanggapan ng Supreme Court sa Maynila laban sa Anti-terrorism Act. (JHUNE MABANAG)

NADAGDAGAN pa ang petisyon sa Supreme Court (SC) na kumukuwestiyon sa ligalidad ng Anti Terror Act of 2020.

Ito na ang ika-27 na petisyon sa kataas-taasang hukuman laban sa kontrobersiyal na batas.

Ang mga petitioners ay pinangunahan ng Center for International Law Inc. at Foundation For Media Alternatives Inc., Democracy.net.ph, Vera Files Inc., at kilalang mamamahayag na si Ellen Tordesillas.

Tulad ng mga naunang petisyon, naghain din ang mga grupo ng Petition for Certiorari and Prohibition.

Hirit nila sa Korte Suprema na mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) para ipatigil ang pagpapatupad sa batas na epektibo noon pang buwan ng Hulyo.

May mga probisyon din anila ang batas na labag sa Konstitusyon, gaya ng mga karapatan sa freedom of speech, right of people to peaceably assemble at iba pa.