NAABOT na ng Navotas ang 101 porsiyento ng target na populasyon nito ang nabakunahan para sa Chikiting Ligtas 2024, ang nationwide bivalent Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (bOPV-SIA) na pinangunahan ng Department of Health.
Ang Navotas ang kauna-unahan sa mga lungsod sa CAMANAVA ang nakaabot na sa target nito kung saan nakapagtala ang City Health Office ng kabuuang 16,062 mga bata na nabakunahan laban sa polio sa lungsod.
Sa bilang na ito, 661 na bata ang 0-23 buwang gulang, habang 15,401 ay 24-59 buwang gulang. Ang mga batang ito ay naka-target para sa pagbabakuna pagkatapos mawalan ng ilang dosis o hindi makatanggap ng anumang dosis sa nakaraang taon.
Hinikayat ni Mayor John Rey Tiangco ang mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa poliovirus, na isang potensyal na nakakapanghinang sakit na nakakaapekto sa spinal cord at mga kalamnan. Ito ay lalong mapanganib para sa mga batang limang taong gulang pababa.
“The polio vaccine is safe and effective. Let us ensure that our children are protected from vaccine-preventable diseases by making sure that their immunization is updated,” ani Tiangco.
Sa kasalukuyan ay wala pang alam na gamot para sa polio at ang pagbabakuna ay ang tanging epektibong paraan upang maiwasan ang posibilidad ng isang outbreak. Ang kampanyang Chikiting Ligtas ay magpapatuloy hanggang Mayo 15, 2024. Ang regular na pagbabakuna ay patuloy ding makukuha sa mga health centers sa lungsod.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
NON-COMPLIANT ONLINE STORES IPA-‘PADLOCK’ NG BIR
PNP HANDANG TUMULONG SA POSIBLENG PAG-ARESTO NG INTERPOL KAY DIGONG