ABALA ang ilang residente sa pagpinta ng mural sa kahabaan ng Guam Street sa Makati ngayong Huwebes kung saan tampok ang ating mga frontliner.
Ang obra ay isang painting ng pulis, health worker at mamamayan na naka-face mask habang napaliligiran ng virus at sa gitna ay may bandera ng Pilipinas – isang pagpupugay sa kabayanihan ng mga health workers sa gitna ng pandemya.
“Masaya kami na mayroon tayong ganitong uri ng mural painting dahil inilalarawan nito ang kabayanihan ng ating mga frontliner,” ayon kay Rose Anne Guevarra, residente ng naturang siyudad.
Marami ring mga pedestrian at commuter ang nakasulyap sa mural, humanga sila sa pagkakabuo nito at sa mensahe.
“Mag-ingat po tayo sa virus kasi napansin ko din po kahit painting po siya, naka-mask po siya,” ayon naman kay Limuel Tolentino na madalas ding napapadaan sa lugar.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY