June 4, 2025

Mural ni Sim Tolentino laban kay VP Sara Duterte, umani ng atensyon sa UP Diliman

Quezon City — Isang matapang na mural ang ipinasilip ng kilalang progresibong muralist na si Sim Tolentino sa Katipunan Freedom Wall ng UP Diliman sa kahabaan ng CP Garcia Avenue ngayong Lunes, Hunyo 2.

Ang mural ay malinaw na tumutukoy sa umiinit na isyu ng impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte, kaugnay ng umano’y iregular na paggamit ng bilyon-bilyong pisong confidential funds.

Sa gitna ng makulay ngunit mapanuyang sining, ipinapakita si VP Duterte na tila nilalamon ng mga salaping may tanda ng korapsyon, habang may mga simbolo ng galit ng taumbayan sa paligid.