November 2, 2024

MPT SOUTH, PAWS INK PARTNERSHIP FOR LOVE PETS, SAVE LIVES

Lumagda ang Metro Pacific Tollways South (MPTS), subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investment Corporation (MPIC), sa isang Memorandum of Understanding (MoU) kasama ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) para matulungang bigyan solusyon ang mga kaso ng mga natatagpuang mga hayop sa kahabaan ng Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX), CAVITEX C5 Link, at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).   

Sa ilalim ng MoU, magtutulungan ang MPT South at PAWS pagsasagawa ng programang “Love Pets, Save Lives”. Kalakip ng programa ang pagbibigay ng seminars patungkol sa responsible pet ownership, kaakibat ng libreng spayim at neutering service o pagkakapon ng mga aso at pusa. Gayundin, ang pamamahagi ng libreng bitamina para sa mga alagang aso at pusa ng mga indigent pet owners sa iba’t ibang komunidad na nasasakupan ng MPT South. 

“Ito ay isang milestone para sa MPT South sa pagtugon at paghatid ng mas sustainable at makataong pamamaraan para masolusyunan ang isyu sa mga pagala-galang hayop sa loob ng aming expressway. Sa aming pakikipagtulungan sa PAWS, plano naming malutas ito sa pamamagitan ng mga pagtuturo ng responsableng pangangalaga ng mga hayop sa aming mga komunidad kaakibat ng  pagbibigay libreng serbisyo ng pagkakapon sa kanilang mga alagang hayop ” ani Mr. Raul L. Ignacio, President at General Manager of MPT South. 

“We, at the Philippine Animal Welfare Society (PAWS), are honored to be partners of MPT South for its “Love Pets, Save Lives” program. PAWS and other NGOs work at preventing animal cruelty and pet homelessness. It is the first of its kind for an expressway developer to launch an animal welfare program. This, in itself , breaks barriers and gives hope for an organization like PAWS – that more and more companies are seeing the wisdom of a PREVENTIVE approach to the stray problem,” ani Ms. Anna Cabrera, Executive Director ng PAWS. 

Sisimulan na ng MPT South at PAWS ang “Love Pets, Save Lives” program nito ngayong lingo sa Don Galo Sports Complex, Paranaque City sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Barangay Don Galo at Barangay La Huerta.  

Ang PAWS ay isang rehistradong non-profit, volunteer-based na organisasyon na nakatuon sa pagpoprotekta at pagsulong sa makataong pagtrato sa mga hayop. Naniniwala ito na ang pagbibigay ng libre o abot-kayang pag-kapon sa mga hayop ay ang pangmatagalang solusyon sa kawalan ng tirahan ng mga ito.  

Bukod sa CAVITEX, CAVITEX C5 Link, at CALAX, hawak rin ng MPTC ang concession rights para sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark Tarlac Expressway (SCTEX), NLEX Connector Road, at ng Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu. (Danny Ecito)