Nasa larawan (L-R): Big Ben Group Director Benjamin Eusebio, Big Ben Group Chairman Pacifico Eusebio Jr., MPower Senior Vice President and Head Redel M. Domingo, at MPower Vice President and Retail Sales Head Eddie John V. Adug.
Pormal nang pinagtibay ng MPower, ang local retail electricity supplier ng Manila Electric Company (Meralco), ang pakikipagtulungan nito sa Big Ben Group upang maghatid ng maaasahan at abot-kayang supply ng kuryente sa mga manufacturing plant ng kumpanya sa Pulilan, Bulacan.
Layunin ng nasabing partnership na suportahan ang construction at manufacturing operations ng Big Ben Group, sigurihin ang operational excellence, at isulong ang responsableng paglago at serbisyo sa customer.
Ayon kay Big Ben Group Director Benjamin Eusebio, mahalagang maiukit ang sustainability sa kanilang operasyon at mga plano sa hinaharap. Bunga nito, ang pakikipag-alyansa sa MPower ay magpapatatag sa kanilang energy management kasabay ng pag-abot sa kanilang long-term business at sustainability goals.
Ang Big Ben Group ay pangunahing manufacturer at supplier ng ready-mix concrete na nagpapadala ng suporta sa iba’t ibang impratruktura, mula sa mga residential project hanggang sa mga malalaking commercial development.
Binigyang-diin naman ni Big Ben Group Chairman Eusebio Pacifico Garcia na krusyal ang energy reliability at cost efficiency sa kanilang pakikipagkumpitensya sa merkado.
Aniya, ang pakikipagtuwang sa MPower ay magpapatibay sa pundasyon ng kumpanya para sa patuloy na paglago at katatagan.
Sa pamamagitan ng alyansang ito, matitiyak ang tuloy-tuloy na produksyon at napapanahong paghahatid ng mga proyekto ng Big Ben Group sa mga komunidad na kanilang pinagsisilbihan.
Samantala, inihayag ni MPower Head Redel Domingo na higit sa paghahatid ng kuryente, layunin nilang magbigay ng angkop na energy solutions upang mapalakas ang operational performance ng kanilang mga kasosyong negosyo.
Patuloy ang MPower sa pagbibigay ng flexible at cost-competitive na solusyon sa kuryente upang matulungan ang mga kumpanya na maging mas mahusay sa kanilang operasyon.
