ISANG humahaginit na tres na ipinukol halos malapit na sa midcourt ang sumagip sa buhay ng Davao Occidental Tigers Cocolife upang itakas ang panalo kontra Bataan Risers, 90-89 via overtime sa pagpapatuloy ng elimination round ng Maharlika Pilipinas Basketball League 6th Season sa Orion Sports Complex sa Bataan kamakalawa.
Pinatahimik ni Tiger Jun Manzo ang kalaban pati na ang nagdiriwang na sanang hometown crowd nang kanyang maibuslo ang buzzer-beater desperation shot nito upang itabla ang laban sa regulation tungo sa pag-ungos ng panalo sa overtime.
Nauwi sa wala ang magiting na paghabol nina Risers Yves Sason at Jonnel Lastimosa kung saan ay ang Bataan ang lamang 81-78, 1.5 segundo ang nalalabi bago nagulat ang lahat sa panablang alahoy shot ni Manzo.
Ang Tigers team ng Bautista clan sa Davao Occidental na suportado nina Cocolife president Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Atty Elmore Omelas ay umangat sa 4-1 team standing habang ang Bataan ay dumausdos sa 3-3 baraha.
“A shot made in heaven. Whether it is double digit or single point,a win is still a win.Credit this victory in the Tigers’ all-around effort and our coaching staff”,pahayag ni Davao Occ.Cocolife team manager Arvin Bonleon. (DANNY SIMON)
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2