ISANG hinihinalang motornaper ang nalambat matapos maaktuhan ng mga pulis na sakay ang isang tinangay na motorsiklo sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni District Anti-Carnapping Unit ng Northern Police District (DACU-NPD) chief PMAJ Jessie Misal ang naarestong suspek bilang si Joe Mark Tenorio, 30 ng 389 Marulas A. Brgy. 36.
Ani PSSg Paul Colasito, dumulog sa tanggapan ng DACU para humingi ng tulong si Catherine Domingo matapos niyang makita ang kanyang nawawalang motorsiklo ay sinasakyan ng suspek sa kahabaan ng Marulas B. St., Brgy., 36 ng lungsod.
Kaagad nagsagawa ang mga tauhan ng DACU ng operation kasama ang Caloocan Police Sub-Station 2 sa pangunguna ni PMAJ Danilo Esguerra at PCAPT Joey Ilac ng Highway Patrol Group (HPG) CAMANAVA na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-5 ng hapon sa naturang lugar.
Narekober sa suspek ang isang Honda XRM kaya nahaharap siya sa kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Act).
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA