Nasawi si ang 15-anyos na si Dean Berta Vinales matapos ang Supersport 300 support race sa World Superbike Championship sa Jerez. Ayon sa organizers ng nasabing sports event, napuruhan ang motorcycle racer sa isang crash.
Nangyari ang insidente noong 11 laps nang bumangga ang Spanish teen racer sa tatlong riders. Na naging dahilan ng pagtilapon nito sa race track.
Agad namang dumating ang medical vehicles sa site at inasikaso ang rider.
“After a serious incident during WorldSSP300 Race 1, Dean Berta Vinales has sadly succumbed to injuries,” sabi ng World Superbike sa statement.
Anila, nagtamo ng severe head and thoracic injuries si Vinales. Ginawang lahat ng circuit medical staff upang mabuhay siya. Subalit, pumanaw pa rin ito dahil sa tindi ng natamong pinsala.
More Stories
NM Nika sosyo sa 5 iba pang manlalaro sa Marienbad Open 2025 – C FIDE Open 23rd International Chess Festival
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2