DINAKIP ng pulisya ang 38-anyos na lalaki nang mabistong may nakabinbing warrant of arrest sa Makati City dahil sa kasong rape makaraang kumuha ng National Police Clearance sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvadro Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Paolo Angelo Medina, 38 ng 1A Interior 103 Ilang-Ilang Street, Brgy. Maysan.
Sa report ni Col. Destura kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio PeƱones Jr, kumuha si Medina ng National Police Clearance sa Valenzuela City Police Station subalit, na-verify na mayroon siyang nakabinbing warrant of arrest.
Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ng pagsisilbi ng warrant of arrest ang pinagsamang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PLT Ronald Bautista, SIDMS-VCPS sa pangunguna ni PCPT Robin Santos at 5th MFC, RMFB, NCRPO in relation to S.A.F.E. NCRPO na nagresulta sa pagkakadakip kay Medina dakong alas-3:40 ng hapon.
Ani Lt Bautista, si Medina na listed bilang most wanted ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 233, Makati City noong September 21, 2020, para sa kasong Rape.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag