November 18, 2024

MONSOUR PANGULO NG ATF ’23 AT MAY TIMON SA ASEAN TAEKWONDO TILT SA MANILA


NASA timon ngayon ng opisyal ng Philippine Taekwondo Association na si Monsour del Rosario ang siyam na nasyon ng Timog Silangang Asia partikular sa idinaraos na 16th ASEAN Taekwondo Championship na kasalukuyang  idinaraos sa bansa.

Ang international taekwondo achiever (Southeast Asian Games, Asiad, World multi-medalist at Olympian) na si Monsour ay nahalal na  Pangulo ng 2023 Asean Taekwondo Federation nito lamang nakaraang General Assembly na preview ng tampok na kaganapan  sa bakbakan ng ASTC sa Ayala Mall Manila Bay sa Pasay ay magtatapos ngayong araw ng Linggo.

Nahalal namang Vice President si  Azizul Animuar Datuk Patinggi Tan Sri Haji Adenan Satem ng Malaysia at Nguyen Thanh  Huy ng Vietnam habang  Board  Members sina  Rajendran Mhutusamy( Malaysia) at Hem Samnang ng Cambodia.

Si Del Rosario ang kauna-unahang Filipino na naging Pangulo ng prestihiyosong asosasyon ng martial art na  taekwondo sa rehiyon ng Southeast Asia.

 “Tall order ang nakaatang sa ating balikat ngayon bilang pinuno ng Asean Taekwondo pero isang karangalan naman ito para sa bansa kaya atin itong gagampanan ng purong dedikasyon di lang sa Pilipinas kundi sa buong rehiyon,” pahayag ng icon sa palakasang taekwondo sa ‘Pinas, showbiz action star at naging top level politician o lingkod- bayan (Makati District 1 Representative) na si del Rosario.

“Matagumpay din ang ating idinaraos ng  ASEAN championship dahil dito pa lang ay matatantiya na natin ang mga mamamayagpag sa darating na 32nd Southeast Asian Gsmes sa Cambodia sa Mayo 2023.

Ang nabanggit na kaganapan ay barometro rin ng magiging komposisyon ng national team ng Pilipinas taekwondo event na sasabak sa SEAG. Bukod sa host ang Pilipinas, ang iba pang kalahok ay ang Malaysia, Thailand, Indonesia ,Vietnam,Singapore,Myanmar, Laos at Cambodia.