
NANUMPA na si ex-taekwondo champ-turned politician Monsour del Rosario bilang miyembro ng United Nationalist Alliance (UNA).
Sa isang post, makikitang nanumpa si Del Rosario bilang bagong miyembro ng UNA kay Sen. Nancy Binay.
Sa ilalim ng UNA, dalawang beses nang nanalo si Del Rosario bilang konsehal at nakakuha ng puwesto sa House of Representatives noong 2016.
Sa Mayo 2025, tatakbo si Del Rosario sa ilalim ng tiket ni Binay.
Huling termino na ni Binay bilang senador sa 2025 at nagpahayag na siya na tatakbong alkalde sa Makati City.
Kapatid ni Binay si Makati Mayor Abby Binay, na matatapos naman ang termino sa pagka-mayor at  kabilang sa magiging pambato ng NPC sa senatorial race sa 2025 elections.
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na