SI Monsour del Rosario ay isa sa ipinagmamalaki ng Pilipinas.
Siya ay dating 1988 Olympic Medal Winner, isang Master of Taekwondo, nirerespetong lider sa politika, isang action star at human rights advocate.
Ang martial arts ay naging bahagi na ng kanyang buhay sa loob ng 50 taon.
Palagi siyang nagsasanay at lumalaban sa buong buhay niya, sa loob man o labas ng ring. Kaya para suklian ang ibinigay na talento sa kanya ng mundo ay ibinabahagi niya ang kanyang nalalaman at karanasan sa mga kabataan.
“Taekwondo is life”, ika nga niya.
Naging laman siya ng atensiyon ng Taekwondo Life Magazine nang gumanap ito sa award winning Sci-Fi na martial arts action film na Blood Hunters: Rise of the Hybrids.
Bukod sa pagiging talentadong Martial Arts Master at Renaissance man, siya ay palihim ding tumutulong sa ating mga healthcare worker na humaharap ngayon sa COVID-19 pandemic.
Para sa hindi nakaaalam siya ay bahagi ng Philippine National Taekwondo team at Secretary General ng Philippine Taekwondo Association.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA