![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2021/06/200459382_344849393692979_1794897500725201096_n.jpg)
Kasado na ang pelikulang “Fallen SAF 44 The Movie” na pagbibidahan ni Jeorge E.R. Ejercito.
Kinumpirma ng aktor na si Monsour del Rosario na kasama siya sa shooting ng pelikula sa Hulyo at Agosto.
Lubos ang paghanga ng dating Makati Congressman sa mga pulis at sundalo sa kanilang tungkulin para ipagtanggol ang ating bayan.
Ramdam kasi ni Monsour ang dedikasyon ng SAF members para ipagtanggol ang ating bayan at pagmamahal sa kanilang pamilya.
Enero 2015 nang maganap ang Mamasapano clash na ikinasawi ng 44 pulis sa ilalim ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao, isang nakadudurog ng puso na insidente para sa mga Filipino.
Mapapanood ang pelikulang “Fallen SAF 44 The Movie” sa Disyembre, ayon sa kongresista.
More Stories
Gatchalian hinimok ang pagbibigay ng mas magandang access para sa mga PWD sa pampublikong transportasyon
Johnny Wellem Carzano numero uno sa MisOcc active open chess tilt
EROPLANO AT MILITARY CHOPPER NAGSALPUKAN SA ERE SA WASHINGTON (Pinoy na pulis kabilang sa mga nasawi)