December 19, 2024

Mojdeh, 4 na iba pa sabak sa World Juniors Championships

LIMANG National junior record holders sa pangunguna ni Cambodia Southeast Asian Games gold medalist Teia Salvino ang kuwalipikadong sumabak sa 9th World Aquatics Junior Championships na nakatakda sa Setyembre 4-9 sa Netanya, Israel.

Sa isang memorandum na may petsang Hulyo 23, 2023, at nilagdaan ni World Aquatic-backed Philippine Swimming, Inc, (PSI) Secretary-General Batangas Rep. Eric Buhain, nakamit ng lima ang minimum na 680 WA points standard sa kabuuan ng qualifying period noong Mayo 1, 2022, hanggang Hulyo 30, 2023.

“Congratulations to all the qualifiers, their coaches and parents,” ani Buhain, two-time Olympian, at Philippine Sports Hall-of-Famer.

Si Salvino, na kwalipikado sa anim na event – 50m at 100m backstroke, 50m, 100m at 200m freestyle, at 100m butterfly – ay naiulat  na tumangging sumama sa team matapod magdesisyon na ituon ang pagsasanay sa abroad para sa pagsabak sa Asian Games na nakatakda sa Setyembre 28 hanggang Oktubre 8 sa Hangzhou, China.

Ang 15-anyos ay shoo-in para sa Philippine Asian Games team matapos manalo sa women’s 100m backstroke event, sa national record na 1:01.64 sa Cambodia SEAG nitong Mayo. Inihayag na ni Philippine Olympic Committee (POC) president Bambol Tolentino na awtomatikong kasama sa Asiad Team ang mga gold at silver medalists ng Cambodia.

“Right after the memorandum was sent to the Philippine aquatics family, we received a report that Thea (Salvino) could not make it to Israel World Junior as she is currently in training for the Asian Games,” pahayag ni PSI Executive Committee member Chito Rivera.

Dahil sa posibilidad na di paglahok ni Salvino, nakaatang ang kampanyan ng bansa sa balikat  ng iba pang qualifiers na sina Jasmine Mojdeh (100m butterfly), Heather White (50m, 100m, at 200m freestyle), Gian Santos (100m, 200m at 400m freestyle), at Filipino-German (10m Alexander at 400m freestyle).

Si Mojdeh, 17, may hawak ng junior records sa 13-under, at ang 16-year-old na si White, na may hawak ng national record sa 15-under 50-m freestyle (26.83) ay bahagi ng Philippine Team sa World tilt noong nakaraang taon sa Lima, Peru, kung saan nakagawa ng kasaysayan ang Fil-Iranian na si Mojdeh matapos makapasok sa semifinal ng 400m backstroke. Kasalukuyang nasa Seattle, USA ang dalawa para magsanay.

Sinabi ni Buhain na sasagutin ng PSI ang airfare (Manila-Israel-Manila), board and lodging sa Israel, at mga uniporme ng koponan.

“We would like to thank the Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, and the World Aquatics for their equivocal support to Philippine Aquatics,” stressed Buhain.