May 8, 2024

MODERN JEEP NA GALING CHINA IPINASILIP

MAKIKITA sa Project 4, Quezon City ang mga imported na modernong jeep na galing China na idi-distribute sa local market sa halagang P2.4 milyon hanggang P2.5 milyon, depende sa kapasidad nito. Patungkol sa electric vehicles at components nito, inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang gobyerno ng Pilipinas ay nagmumungkahi na hayaang maging bukas ang merkadong ito para pabilisin ang Public Utility Vehicle Modernization Program sa bansa.