May 2, 2024

MODELO NANGMOLESTIYA NG ‘IT’S SHOWTIME’ HOST

KASONG kriminal ang isinampa laban sa modelong si Shervey Tono matapos siyang akusahan ng pangmomolestiya sa “It’s Showtime” host na si Cianne Dominguez, ayon sa Quezon City Police District (QCPD).

Ayon sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi noong 11 Abril, sa Francesca Towers, Brgy. South Triangle, Quezon City, matapos kuhain ang laundry ng biktimang si Dominguez, na ang tunay na pangalan ay  Tricia Anne Florendo, sumabay sa kanya ang suspek sa kanyang paakyat sa 8th floor habang si Torno ay sa 11th floor.

Paglabas ng biktima sa elevator sa 8th floor sinundan siya ng suspek sa kanyang unit. At pagdating sa pintuan, nakita ng biktima ang suspek na papunta sa dulong unit.

Nagmamadaling pumasok ang biktima sa unit at isinara ang pinto sa likod niya, maya-maya ay nakarinig siya ng katok. Pagsilip niya nakita niya ang suspek sa labas.

“Anong Facebook mo ‘te, ang ganda mo kase, kiss nga,” sinabi ng suspek sabay dakma sa baywang ng biktima.

Agad namang itinurn-over sa Kamuning Police Station 10 ang suspek para sa kaukulang imbestigasyon.

Nahaharap ngayon si Torno sa mga kasong sexual assault sa Quezon City Prosecutor’s Office.