Umiskor si Mo Tautuaa ng season-high 24 points kabilang ang crucial shot dahilan para makaligtas ang San Miguel Beer sa Terrafirma, 113-110, ngayong araw na nanatiling walang talo sa PBA Philippine Cup sa Ninoy Aquino Stadium.
Kumana ng three point sa Tautuaa sa huling segundo ng laro kaya nakuha ng Beermen ang kanilang ikalimang panalo sa maraming laro at mapanatili sila sa top spot sa team standings.
Kinapos ang career-high 21 points, lahat mula career-best ding 7 for 15 shooting sa tres ni Isaac Go sa Dyip.
Nagliyab ng 18 for 38 shooting sa 3s ang Dyip pero naubusan sa dulo, sa huling tsansa sa buzzer ay sablay ang long range shot ni Go.
Napigil sa even 4-4 ang Terrafirma na umarangkada pa ng 19-7 lead.
Minaneho ng 24 points ni Juami Tiongson (4/5 sa 3s) ang Dyip, humugot din ng 21 kay Javie Gomez de Liano.
Mula sa 55-45 deficit sa break, umiskor ng 33 sa third quarter ang Beermen huli sa tatlong free throws ni Jericho Cruz na na-foul ni Isaac Go habang pabitaw ng tres ang SMB guard bago ang buzzer. Inagaw ng San Miguel ang lead 78-75 papasok ng fourth. RON TOLENTINO
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE