December 26, 2024

MMA FIGHTERS BAKBAKAN NA SA DYNASTY FIGHT CLUB!

MMA icon Alvin Aguilar at godfather Korean Jun Lee (kanan) ng Dynasty Fight Club. (Kuha ni Menchie Salazar)

MAGKASANGGA sina Mixed Martial Arts icon Alvin Aguilar at Korean businessman/sports enthusiast Jun Lee sa layuning mabigyan ng oportunidad ang mga local fighters na magkaroon ng maraming laban para mahasa ang kanilang angking lakas at talento tungong elite category.

Sa press conference na ginanap nitong weekend sa Dynasty Fight Club sa Roxas Blvd., Pasay City, inilahad nina Aguilar, founder ng URCC at pangulo ng Wrestling Association of the Philippines ang nakalatag na programa para sa mga combat fighters na potential na maging kampeon sa hinaharap sa naturang magiging breeding ground ng mga mandirigma sa ruweda patungong national team.

Napalapit na rin sa Korean national na si Lee, 17 taon nang nakabase sa bansa, ang mga Pinoy fighters kaya sa abot ng kanyang kakayahan ay umagapay pinansiyal ito at ang pagiging opisyal na ruweda ng mga bakbakan ay umarangkada na sa DFC ni Lee.

” We are giving away million cash prize monthly  for every 1-2-3 fighters of different weight division so they will have a target of a lifechanger in winning this field of mixed martial arts competitions,” wika ni Aguilar.

Dahil dito ay nabuhayan ng pag-asa ang mga Pinoy fighters partikular ang mga dumalo sa naturang media conference kaya nagpasalamat sila kay Aguilar at  Dynasty owner Korean Jun Lee.

Ani pa Aguilar, sa naturang proyekto para sa Pinoy mixed martial artists ay magiging bahagdan nila tungong tagumpay sa buhay at karera lokal at internasyunal.