
Naging emosyunal si Pinay fighter Denice Zamboanga sa kanyang unang pagkatalo sa ONE: ” Empower’. Para kay Denice, 24-anyos, siya ang nanalo sa laban nila ni Seo Hee Ham.
Siya umano ang nagkontrol sa kanilang 15-minute bout. Pero, siya ang lumabas na talo.
“I don’t what to say. I’m so speechless right now. For me, I clearly won the fight unanimously,” aniya.
Kahit na kakaunti ang fight mileage kumpara sa South Korean fighter, ipinakita ni Denice ang best nya. Kung saan, pumapasok ang kanyang stike kumpara sa UFC veteran.
Sa loob ng three rounds, isinalya ni Zamboanga ang champion na si Ham at nakakaiwas sa bira nito. Kaya nagulat siya sa desisyon ng mga judges.
“Para sa akin, ako talaga ang nanalo. Hindi ko matanggap and I’m quite disappointed with the judges”
“Gusto ko magpasalamat sa mga Pilipino na sumusoporta sa akin. Alam ko ginawa ko yung best ko at ginawa ko yung gameplan,“aniya.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT