Binaklas sa UFC Night fight card sa Sabado si MMA fighter Matt Frevola pagkatapos na matuklasang nagpositibo sa CoVid-19 ang isa sa kanyang corner man na si Billy Quarantillo. Kaugnay dito, nagpost ang UFC fighter sa kanyang Instagram account na nagpositibo siya sa corona-virus antibodies buhat nang isalang noong Abril 30,2020, ibig sabihin,nagkaroon na siya ng CoVid-19 sa nagdaang mga araw.
Aniya, dalawang beses din siyang dumaan sa test at natukalsang negatibo sa nasabing sakit.Nilatag rin aniya niya ang ebidensiya ng kanyang positive antibodies test mula Abril 30.Ngunit,hindi aniya sumang-ayon ang UFC na iasalang siya dahil isinaalang-alang nito ang kaligtasan ng mga fighters.
“The UFC has pulled me from my fight due to one of my cornerman testing positive for COVID-19. We did everything possible to make this fight happen. They tested me twice and both results came back negative. I also provided proof of my positive antibodies test from April 30th but the UFC did not want any liability or to risk it. Being that there is a lack of knowledge on the incubation period and still so many unknowns regarding COVID-19, they decided to pull me,” pahayag ni Frevola.
Nakatakda umupak si Frevola kontra kay Frank Camacho sa bilang undercard ng
UFC on ESPN: Blaydes vs. Volkov event, na idaraos sa UFC APEX sa Las Vegas sa June 20 ( June 21, araw ng Linggo sa Pilipinas).
Ang 30-year-old na si Frevola ay tubong Huntington, New York, na lumalaban sa lightweight division. May record siyang 8-1-1 bilang professional fighter , kabilang ang 3-1-1 kartada sa UFC umbrella.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!