January 28, 2025

MISS MEXICO ANDREA MEZA, KINORONAHANG IKA-69 MISS UNIVERSE

HINIRANG si Miss Mexico Andrea Meza na ika-69 Miss Universe, na may bagong papel na gagampanan bilang spokeperson ng women empowerment sa panahon ng pandemya.

Habang ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo ay kabilang sa mga kandidatang nakapasok sa Top 21, ngunit matapos ang swimsuit category ay nalaglag na siya sa Top 10.

Unang hinirang si Meza na isang pageant veteran bilang first runner-up sa 2017 Miss World. Siya na ang ikatlong Mexican na nanalo sa Miss Universe pagkatapos nina Ximena Navarette (na tinalo si Venus Raj noong 2010) at Lupita Jones noong 1991. Si Jones ang namumuno sa Miss Mexico organization.

Nang tanungin kung papaano niya iha-handle ang COVID-19 kung siya ang magiging lider ng kanyang bansa, sinagot niya ito na maaga niyang ipapatupad ang lockdown.

“I believe there’s not a perfect way to handle this hard situation. However, I believe what I would’ve done was to create the lockdown even before everything was that big. Because we lost so many lives, and we can’t afford that, we have to take care of our people. That’s why I would’ve taken care of them since the beginning.”

Narito ang resulta:

Fourth runner-up: Dominican Republic, Kimberly Jimenez

Third runner-up: India, Adline Castelino

Second runner-up: Peru, Janick Manceta

First runner-up: Brazil, Julia Gama

Rabiya nagawang makapasok sa semis

Sa pagkatalo ni Mateo, ang Pilipinas ay mayroon ng 11-years unbroken streak sa Miss Universe semifinals. Gayunpaman, ito na ang second straight edition na nabigo ang ating bansa na makapasok sa Top 10.

Ipinaglaban ng 24-anyos na titser mula sa Iloilo ang panglima sanang korona ng Pilipinas sa Miss Universe. Una nang nanalo noong 2018 si Catriona Gray at  noong 2015 naman ay si Pia Wurtzbach.

Nalaglag sa first cut ang mga paborito ng ilang fans ng 69th Miss Universe completion. Natapos ang journey ni Natasha Joubert ng South Africa para sana sa back-to-back win at ikatlong korona ng  kanilang bansa simula 2017.

Nabigo rin sa first cut sina Canada Nova Stevens, Mariangel Villasmil ng Venezuela at Bianca Tirsin ng Romania, na nakapasok sa runner up sa past editions ng Miss International at Miss Supranational.

Wagi naman si Miss Vietnam sa Lazada fan vote.