
Ginulat ng Milwaukee Bucks ang 2nd seed Boston Celtics sa Game 1 ng East semifinals. Sinuwag de gulat ng dayo ang home team sa isang blow-out win, 101-89. Nagtala si Giannis Antetokounmpo ng triple-double sa laro.
Lumagare ang ‘The Greek Freak’ ng 24 points, 13 boards at 12 assists. Bumistay naman si Jrue Holiday ng 25 points, 10 boards at 5 assists. Habang si Bobby Portis Jr ay nag-ambag ng 15 points at 11 rebounds.
Sa panig naman ng Boston, kumana si Jason Tatum ng 21 points, 6 boards at 6 assists. Habang si Jaylen Brown ay tumipa ng 12 points, 9 boards at 4 assists. Nakauna na rin sa 1-0 lead sa series ang Bucks.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT