
Sinuwag ng Milwaukee Bucks ang Brooklyn Nets sa iskor na 104-89 sa Game 6 ng East semifinals. Nagningning sina Giannis Antetokoumnpo at Khris Middleton sa panalo ng hme team.
Kaya naman naitala ng Bucks ang series sa 3-3 all at naipuwersa ang Game 7. Ang iskor ng Nets na 89 ay combination lamang ng points nina Giannis, Middleton at Jrue Holiday.
Umabot din sa 35 rebounds at 13 assists ang production ng tatlong players. Bumuslo si Middleton ng 38 points, 10 boards at 5 assist.
Gumawa naman si Giannis ng 30 points, 17 boards at 3 assists. Si Holiday naman ay bumira ng 21 points, 8 boards, 5 assists at 4 steals.
Sa panig naman ng Nets, kumana si Kevin Durant ng 32 points, 11 boards at 3 assists. Nag-ambag naman si James Harden ng 16 points, 5 boards at 7 assists.
Kapwa hindi nagpapaiwan sa isa’t isa ang dalawang teams sa first half. Hanggang sa kumalas na sa palitan ng busluhan ang Bucks. Kung kaya, naiwanan at natambakan na nito ang Nets sa second half.
Idaraos naman ang Game 7 sa Barclays Center sa Linggo ( Manila time). Pero, wala pang inilalabas na oras ng laro.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo