May 14, 2024

KRIS AQUINO, OFF AND ON SA SAKIT NIYA, KAYA PAYAT AT ‘DI MAGANDA ANG AURA SA INSTAGRAM

Matagal na pa lang inaalok nang isang sikat na stem cell doktor itong si Kris Aquino na si Dr. Maueller mula sa Germany.

Pero hanggang ngayon ay mukhang wala pa rin itong sagot, kahit malaking tulong ang magpa-stem cell siya.

The best daw iyon para sa problema niya para hindi siya maging payat at mukhang may sakit sa kanyang latest post sa kanyang Instagram. Gusto kasing makita ni Dr. Maueller na muling gumanda at bumalik ang energy nito.

Dahil ang stem cell ay isang paraan para muling maibalik ang energy niya sa kanyang immune system dahil forte nga ito ng doctor na titingin sa kanya.

Para na rin muli siyang makabalik nang husto sa kanyang showbiz work. Pero mukhang walang reaction si Kris sa offer ni Dr. Maueller, dahil mukhang ang pokus niya ay ang makapag pa hinga siya.

Ang importante ngayon kay Kris, ay makitang malusog ang kanyang mga anak ay kontento na siya. Sana i-try niya ang stem cell therapy dahil ito raw ang isang paraan para gumaling siya sa kanyang sakit. MATT GARCIA