Hinablot ng Milwaukee Bucks ang Game 4 ng 2021 NBA Eastern Conference playoffs. Sinuwag ng Bucks ang Brooklyn Nets, 107-96. kaya, naitabla ng Bucks ang series sa 2-2.
Bumida si Giannis Antetokounmpo sa pagbuslo ng 34 points at 12 rebounds. Tumulog naman si Khris Middleton sa pagkamada ng 19 points, 4 boards at 8 assists.
Sa panig naman ng Nets, gumawa si Kevin Durant ng 28 points, 13 boards at 5 assists.
Malaking kawalan si Kyrie Irving sa Brooklyn dahil sa natamong injury sa second quarter. Nagkaroon ito ng strain righ ankle.
Kung kaya, walang naging katuwang si Durant sa opensa. Wala rin si James Harden sa laro. Kaya kinapos ang opensa ng Brooklyn. Ito ang sinamantala ng Bucks upang umalagwa.
”We’re very happy, but we’ve got to keep getting better, keep playing together and hopefully we can go into Brooklyn and take one,” ani Antetokounmpo.
Dahil sa kondisyon nina Irving at Harden, inaalala ngayon ng Nets ang health condition ng trio nila. Kung tatamaan din uli si Durant, malaki ang posibilidad na mahirapan sila sa Bucks.
”Now it’s a three-game series,” ani Nash. ”We’ve got to get home, rest up and get our minds and bodies ready. Stay positive.”
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!