
Sinipa ng Milwaukee Bucks ang Chicago Bulls, 94-90 sa intense Eastern Conference battle. Nanguna si Giannis Antetokounmpo sa panalo ng Bucks. Nagtala ang ‘The Greek Freak’ ng 30 points, 12 boards at 3 assists.
Nag-ambag naman si Khris Middleton ng 16 points at 11 rebounds. Sa panig naman ng Bulls, naglista si DeMar DeRozan ng 35 points, 6 boards at 3 assists. Habang si Nikola Vucevic naman ay bumira ng 19 points at 11 rebounds.
Samantala, in-extend ng Atlanta Hawks ang kanilang winning streak sa 3. Dinagit ng Hawks ang Miami Heat, 110-108. Naglista si Trae Young ng 28 points, 7 assists at 3 boards sa Atlanta.
Sa panig naman ng Heat, nagtala si Bam Adebayo ng 21 points at 7 rebounds. Trese punton naman ang kinamig ni Jimmy Butler. Kasama na rito ang 8 boards at 8 assists.
Samantala, narito ang iba pang resulta ng laro sa NBA ngayong araw. Sinagasaan ng Portland TrailBlazers ang Boston Celtics, 109-105. Kuminang sa panalo si Jusu Norkic na kumana ng 29 points, 17 boards at 5 assists.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT