Nadisgrasya ng Milwaukee Bucks ang Brooklyn Nets sa intense Game 7 ng East semifinals. Pinunit ng Bucks ang Nets sa iskor na 115-111 sa overtime.
Kung kaya, malungkot ang mga fans ng Nets sa Barclays Center dahil sa nangyari. Sa umpisa pa lamang ng game, kapwa di nag-iwanan ang bawat isa.
Nakailang lead changes rin ang nangyari. Ngunit, nakuha ng Bucks ang momentum sa huling quarter. Ngunit, naputol ang maagang selebrasyon ng Bucks nang ma-shoot ni Kevin Durant ng pull-up jumper.
Dahil dito, naitabla ang score sa 109 all. Pagsapit ng overtime, unang naungos ang Brooklyn. Pero, nagawang buwelta ng Bucks.
Hanggang sa makalamang ito sa 113-111. Hawak ng Nets ang huling ball possession. Ngunit, sumablay ang tira ni Durant sa tres.
Nanguna sa panalo ng Bucks si Giannis Antetokounmpo ng 40 points, 15 boards at 3 assists. Nag-ambag naman si Khris Middleton ng 23 points, 10 boards at 6 assists.
Sa panig naman ng Nets, gumawa si Durant ng 48 points, 9 boards at 6 assists. Habang si James Harden ay gumawa ng 22 points, 9 boards at 9 assists.
Bumira naman si Blake Griffin ng 17 points, 11 boards at 3 assists.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA