
Kinatay ng Milwaukee Bucks ang Chicago Bulls via blow-out win, 119-95 sa Game 4 ng East Round 1. Kaya naman, naitulak ng Bucks ang 3-1 lead sa series. Mala-halimaw na naman si Giannis Antetokounmpo sa kanyang 32 points at 17 boards.
Isa ring milestone ang naitala ng ‘The Greek Freak’ sa NBA playoffs. Kung saan, itinala niya ang 5th Postseason game na may 30+ points. Kasama na ang 15+boards at 5+assists. Siya rin ang ika-7 player sa NBA history na mayroon least 5 such playoff games.
Muli ring nagpasiklab si Grayson Allen sa Bucks sa pagbuslo ng 27 points at 3 steals. Nag-ambag naman si Jrue Holiday ng 26 points at 7 assists. Bumanat naman sa Bulls si Zach LaVine na may 24 points. Samantalang si DeMar DeRozan naman ay bumira ng 23 points at 5 rebounds.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT