
Naitabla ng Milwaukee Bucks ang series sa 2-2 matapos ang thrilling Game 4 sa NBA Finals. Binalda ng Bucks ang Phoenix Suns sa iskor na 109-103.
Bumida si Khris Middleton sa panalo ng Milwaukee sa kanyang stellar performance. Bumuslo si Middleton ng 40 points, 6 boards at 4 assists. Si Giannis Antetokounmpo ay bumira ng 26 points, 14 boards at 8 assists. Habang si Jrue Holiday naman ay bumanat ng 13 points, 7 boards at 7 assists.
Nasayang naman ang ginawang 42 points ni Devin Booker sa Phoenix. Naging dikdikan ang laro sa buong Game 4. Kung saan, nakalalamang pa ang Phoenix.
Palitan ng lead changes at nasa Suns ang momentum. Pero, nag-iba ito nang matawagan ng kanyang 5 personal fouls si Booker. Nalipat ang momentum sa Bucks kahit may 5 fouls din si PJ Tucker.
Kinulang naman sa production sina Chris Paul at Deandre Ayton kaya kinapos sila. Gumana ang depensa at opensa ng Milwaukee at nakalamang sila sa bandang huli.
More Stories
Mayor Dante Esteban Cup 2025… SEALIONS PAPASIKLAB SA CALINTAAN, MINDORO OCC.
‘TOL’ Tolentino Nagpugay sa 22-Medal Haul ng PH Kickboxing Team na Sumabak sa Bangkok World Cup
MGA NAGING TAGUMPAY NG 550th AIR BASE GROUP SA BUWAN NGMARSO 2025