December 24, 2024

MILO EVENTS, BABALIK NA SA KALSADA, COMPLEX AT ARENA

SABIK na ng mga running enthusiasts at little olympians sa bansa sa pagbabalik mga patakbong fun at competition events sa mga pangunahing kalsada ng lungsod at bayan sa bansa at ang taunang scholastic sports events sa Luzon Visayas at Mindanao.

Kundi dahil sa pandemya ng corona virus ay nasa grand final stage na sana ang pinakamalaking running event sa Pilipinas na National MILO Marathon na isang taong singkad ng mga edisyon nito sa mga piling cities at municipalities mula Nothern Luzon, Central Luzon, Kabikulan, Kabisayaan at Kamindanawan.

Umaabot nang daang-daang libong sea of green ng mga running enthusiasts ang kumakaripas na ang misyon ay madiskubre ang kanilang kakayahan para sa pambansang koponan, magwagi ng taginting na premyong salapi, makabasag ng rekord habang ang iba ay matapos lang ang karera ay tagumpay at tropeo na sa kanila bilang finishers.

Nasusubok ang kanilang kakayahan bilang 5k, 10k runners,21k half marathoners at full marathon bets 42k.

Kung saan, ang magwawagi sa naturang long distance finals ay tatanghaling MILO Marathon King and Queen at automatikong kakatawan sa mga prestihiyosong International Marathon.

Optimistiko si MILO sports executive Lester Castillo na malapit nang bumalik sa dating sigla ang karera sa kalsada dahil kakayanin na nang gapiin ng mga eksperto sa mundo ang covid-19 at magkakaroon na ng pangontra sa virus na vaccine.

Matutunghayan na sa kalsada ang bantog na National MILO Marathon para sa better normal.

“Sana po ay mawala na ang pandemya para makatakbo na uli kami sa pakarera ng MILO. Iba pa rin po pag may aktuwal na kumpetisyon”,magkakatugmang pahayag ng mga grupo ng mga marathoners na naging bahagi na ng kanilang buhay ang MILO.

Lalo ring na-miss ng mga kabataang estudyanteng Little Olympians sa tatlong regional competition mula Luzon, Visayas at Mindanao at ang pinakamalaking MILO LITTLE OLYMPICS sa National Capital Region (NCR) partikular sa Marikina Sports Complex sa Marikina City.

Noong nakaraang taon ay pansamantalang nahinto ang naturang scholastic olympic event ng MILO dahil pumokus ito sa pag-suporta sa nakaraang hosting ng bansa ng 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 at naging bahagi ang MILO sa tagumpay ng Pilipinas sa pagiging punong-abala at ang makinang na overall championship handog ng Pinoy athletes sa bansa.

Ang MILO Little Olympics ay producer din ng mga mahuhusay na atleta ng bansa tulad ni world gymnastics champion at Olympic-bound Carlos Yulo. Nasundan ang tengga ng MILO Little Olympics ng pandemya ngayong taong 2020.

Kung saan, apektado lahat pati na ang larangan ng sports. Sa kasagsagan ng krisis-covid ay nagsikap ang MILO na manatiling buhay ang spirit of sports sa pamamagitan ng mga virtual events na ikinasa habang nag-iingat ang lahat sa mikrobyong corona. Kaya sa 2021 ang mga makabuluhang MILO events sa bansa ay muling matutunghayan… ABANGAN!!!