MGA sikat na sports personalities na unang hinubog ng BEST Center ng MILO ang mga pangunahing humihimok sa mga kabataan sa pamamagitan ng virtual online class upang lalo pang mahasa sa kanilang mga paboritong laro lalo na ngayong lockdown ng pandemic.
Unang naging masipag sa pagtuturo at paggabay sa mga batang basketball players si UAAP MVP at Gilas Pilipinas player Kiefer Ravena na ibinabahagi ang kanya ring sipag sa training sa mga batang 9 na taon ang edad pataas.
“Iba kasi ang training ngayon naiiba ang actual BEST Training. Sa zoom importante ay madevelop ang mindset kahit hindi tayo nagkikita, kailangan patuloy ako sa page-ensayo at patuloy sa ginagawa ko, kaya ‘yan ang ginagawa ng Best Center Milo for the kids. At the same time, sama-sama kami sa training habang dinedebelop ang mga bata sa online class,” ayon kay Ravena, nang maging panauhin sa TOPS Usapang Sports On Air .
Maging ang kanyang sikreto sa patuloy na training nang nasa bahay lang ay kanyang ibinabahagi.
Ang Milo Best ay may 3 online sports programs ngayong pandemic upang magpatuloy ang mga aspiring basketball players na maiangat ang galing at mas maging mahusay pang atleta habang nasa bahay. Ang Interactive basketball clinic, BIDA Best at Skills Challenge ang tatlong dagdag sa Home Court campaign ng MILO, isang online sports program na hihikayat sa mga magulang at mga bata na tuklasin ang championship level ng partisipante kahit nasa lockdown period.
Ayon naman kay Luigi Pumaren, ang MILO Sports Executive, “Through these programs, parents can help their children advance their basketball skills through various classes and tournaments that espouse BEST Center’s scientific methods. With this partnership, we are able to continue our commitment of nurturing and inspiring young athletes to become champions of tomorrow. Based on studies on world health, the kids have at least 60 mins. everyday exercise. It can help kids engage at home. Kids can watch home for free, chess, football, karate, taekwondo, gymnastics, and football to cater as much. We have now 40 thousand students, great feedback, to be able to be stay active and healthy. We rely on sports organizers, they would have a better assessments sa proper training they need as an athlete.”
Ginagabayan ang programa ng 2 coaches sa may 8 mga estudyante bawat klase, ayon kay Monica Jorge, Executive Vice President, BEST Center.
“Our programs not only provide the quality training to help develop a child’s skills, but also promote values that will be instrumental for their holistic growth. We invite parents to start their kids’ champion journeys with BEST Center so that they become active and well-rounded individuals.
Kahit lockdown kailangan ng sports para maging active both physically and mentally kaya gumawa kami ng programa para kahit nasa bahay sila, interactive basketball programs at habang tinuturo namin ginagawa nila kinokorek sila ng 2 coaches at 8 students lang para personalize ang teaching. Okey sa amin mag-enroll hanggang 65 years old, basta ang importante healthy at able to do their drills.”
Ang Interactive Basketball Clinic ay isang modular online class para sa in-depth instruction at guidance at mapahusay ang teknik sa laro.
Magsisimula sa Setyembre 26 habang sa Setyembre 19 ang BIDA Best na online webcast kung saan maririnig nila ang mga graduates sa 1-hour interview session na ibabahagi ang athletic at life experiences.
Panghuli ay ang Skills Challenge na aktuwal nang gagawin ng mga bata ang teknik na natutunan sa court.
Ang mga interesadong magulang ay maaring isali ang mga anak sa BEST Center sa (09178013533) o e-mail ([email protected]) kung saan ang basketball interactive classes ay twice a week sa 1 oras na session.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?