May 21, 2024

MILES OCAMPO, MASAYANG NAKA-MOVE ON SA HIWALAYAN NG EX-JOWA NIYA

HABOL na habol ang isyu sa hiwalayan nina Miles Ocampo at Elijah Canlas, hindi talaga sila nagpatalo sa hiwalayang Kathryn Bernado at Daniel Padilla na ang third party ay parehong si Andrea Brillantes.

“Nang magkita sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2023 sa Parade of Stars sina Elijah at Miles, napuna nilang tabang na si TV host-actress sa pakikitungo sa kanyang ex-boyfriend.

“Bago pala ang hiwalayang isyu ay nagka usap na ang dalawa, at okey naman na sila ng actor bago tuluyang naghiwalay.

“Basta sa side ni Miles, tahasang sinabi nito na walang third party sa kanyang side. Sinabi pa niya na naka-move on na siya kaya okey na okey na siya.” Pagpapatotoo ng aking source.