December 25, 2024

Mikee, walang balak tumakbo sa panguluhan ng POC

Walang balak na tumakbo si Mikee Cojuangco-Jaworski, member ng executive board ng International Olympic (IOC); bilang pangulo Philippine Olympic Committee (POC).

May ilan kasing nagtutulak sa dati ring atleta na tumakbo sa election ng POC sa November.

Aniya, hindi siya eligible na kumandidato sa election. Si Mikee ay anak ni former Tarlac Rep. Jose “Peping” Cojuangco Jr. Tatlong beses rin itong naging pangulo ng POC.

Kaugnay dito, tatakbo sa panguluhan ng POC si Clint Arenas ng Archery. Makakatapat nito si Cavite Rep. Abraham “Bambol” Tolentino na current POC president.

Kaugnay sa eleksyon, wala naman aniyang nakikitang problema rito ang dating equestrienne athlete.

The POC has had a lot of elections already before. So as far as procedure is concerned we had that election last year at naging maayos naman ‘yung procedure,” ani Cojuangco-Jaworski noon sa lingguhang online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

“Marunong naman ‘yung POC na magkaroon at mag-handle ng election.