Sinabi ni Deputy Speaker Mikee Romero ng 1-Pacman Party List na dapat patawan ng parusa ang mga sangkot sa game fixing. Ito’y dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan ng Lapu-Lapu at Siquijor sa PIlipinas VisMin Supercup.
Aniya, dapat lang na patawan ng kaukulang penalty sangayon sa batas ang mga players, coaches at mga officials na sangkot guilty sa fixing.
Sinari rin nya na hindi na nirespeto ng mga ito ang sport na minahal ng masang Pilipino. Kaya, dapat lang na pagmultahin at i-banned sila sa iba pang liga.
“For showing disgraceful acts the players, staff, officials and the persons behind these shenanigans must be severely punished,” ani Romero.
“They have no place in Philippine Sports, basketball in particular.”
Ang mga convicted game fixers aniya ay dapat magdusa ng 6 na taong pagkakabilanggo. Gayundin ang pagmumulta ng mga ito ng P1-million hanggang P5million piso.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!