Tinanggihan ni boxing icon Mike ‘Iron’Tyson ang alok na bare-knuckle boxing match.Ang nasabing offer ay mula kay Bare Knuckle Fighting Championship (BKFC) president David Feldman.
Sa panayam ng Ring TV, sinabi ni Feldman na inalok nila ng ‘a very generous offer’ ang 54-anyos na boxer. Sa gayun ay lumagda ito at maselyuhan ang pagbabalik nito sa laban.
Dahil sa pahayag ni Tyson na excited siyang bumalik sa laban, kinontak ito ng promosyon ni Feldman. Ang bare knuckle fight ay isang laban ng kamao sa kamao at walang suot na gloves.
Gayunman, hindi aniya interesado rito ang former heavyweight world boxing champion. Ayon pa sa MMA promoter, $20 milyong dolyar ang offer nila kay Tyson, kasama na ang additional benefits.
Nakasaad din sa alok na makakalaban ni Tyson si MMA fighter Wanderlie Silva.
Ang nasabing offer ay pinakamalaki aniya na maaaring matanggap ni Tyson sapol noong 2005.
“Who knows what’s going to happen with Mike Tyson?”
“(His management team) said he was going to fight in July already, but then they said he was going to fight in August, so who knows what’s going to happen with him,” saad ni Feldman.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na