Pagkatapos nang nangyaring aksidente, sinabihan ni boxing legend Mike Tyson si Tiger Woods. Ayon sa heavyweight boxing champion, lumaban si Woods gaya ng isang kampeon.
Ayon kay Mark Steinberg, agent ng golfer, nahulog ang kotseng Bentley ng golf icon at iniahon ito sa bangin sa Los Angeles. Nagtamo si Woods ng multiple leg injuries at kasalukuyang sumasailalim sa surgery.
Nagpaabot naman ng suporta at well wishes ang mga ilang personalidad. Kabila na nga si Tyson.
“Fight @tigerwoods like the champion you are for your kids and the world. Love and prayers,” tweet ng 54-anyos na boxer.
Ipinahayag din ng adviser ni Donald Trump na si Jason Miller, na nagpaabot din ng mensahe ang ex-president.
“Get well soon, Tiger. You are a true champion!” ani Trump.
Bukod kay Tyson, nagpost din sa Twitter ang former baseball player na kilala bilang A-Rod, na si Alex Rodriguez.
“Praying for my brother @TigerWoods as we all anxiously await more news. Thinking of him and his entire family.”
“It hurts to see one of my closest friends get in an accident and I just hope he’s alright.
“I’m just worried for his kids, you know. I’m sure they’re struggling,” saad ng golfer na si Justin Thomas.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2