May 17, 2024

MIKE ENRIQUEZ INILIBING NA

INIHIMLAY na sa kanyang huling hantungan ngayong araw sa Loyola Memorial Park sa Marikina City ang beteranong broadcast journalist na si Mike Enriquez.

Isinagawa ang huling misa para kay Enriquez sa Christ The King Parish sa Greenmeadows Quezon City na dinaluhan ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Nitong Martes nang kumpirmahin ng GMA News ang pagpanaw ni Enriques sa “24 Oras.”